Friday, 16 January 2015

Ang Aming Unang Karanasan

I'm sure hindi mo first time narinig ang “everyone has 24 hours in a day” na quote.  Marahil ang gusto nilang ipahayag nung naisip nila yan ay na tayong lahat ay pantay-pantay at nagkakaiba-iba lamang tayo sa kung paanong paraan natin gustong gamitin ito.

Lahat tayo ay may iba’t-ibang pananaw,  katulad na lang ng pag-o-overtime sa opisina.  Para sa iba ito ay hindi nakakatuwa, ngunit sa iba baka ito ay karagdagang kita kaya nirerequest pa nila ito.   And how about and traffic?   Walang exempted dyan kahit ano pa ang estado mo sa buhay (except kung wala talagang traffic sa dinadaanan mo).   Maraming sumasakit ang ulo dyan, pero meron din namang naeenjoy ito kasi nagkakaroon sila ng time alone para makapagmuni-muni.

So naniniwala kami na palagi tayong merong mapupulot na magagandang bagay sa kahit anong klaseng pangyayari sa ating buhay, kahit pa ito ay pagbagsak ng grades sa school, aksidente sa kalsada, or simpleng tambay kasama ng tropa.  At ito ay nakadepende sa kung paano natin titignan ang mga bagay-bagay.

Layunin ng Inihaw Na Marshamallows ay to make your life worth living for (kahit nga your day lang).   Hindi man nito mabigyan ng meaning ang life mo (kasi ikaw lang ang makakagawa nyan para sa sarili mo), at least man lang matulungan nitong gawing mas exciting ang simpleng pang araw-araw na bagay or pangyayari sa buhay mo.  After all, lahat tayo ay may 24 hours lamang araw-araw, diba?  Why not, sulitin natin every moment nito kung pwede naman, diba?